KASALUKUYANG nakapiit sa isang silid sa Kamara de Representantes ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte na si Zuleika Lopez dahil sa kanyang hindi kanais-nais na pakikialam sa proseso ng pagdinig.
Isinagawa ang mosyon ni House Deputy Minority Leader France Castro ng ACT Teachers, na sinegunduhan ng kanyang mga kasamahan, hinggil sa sulat ni Lopez sa Commission on Audit (COA) kung saan hiniling nito na huwag bigyan ng dokumento ang Kamara kaugnay ng iniimbestigahang confidential funds.
Sinubukan ni Lopez na umapela sa panel na bawiin ang contempt order at iginiit na hindi intensiyon ng sulat na utusan ang COA kundi isa lamang itong kahilingan.
“There was no intention, Your Honor, to demand, order, or commandeer them into doing something they did not want to do,” ayon kay Lopez.
“I truly apologize if there was something in that letter that slighted you on a personal note. It was not my intention your honor. I deeply apologize and I wish and I hope that you would consider my apology,” sabi ni Lopez.
Sinabi ni Castro na tinatanggap nito ang paumanhin ni Lopez.
“However in the totality of the discussion from 10 am up to now nakita natin Mr. Chair very evasive yung mga sagot ni Atty. Lopez,” dagdag pa ng lady solon.
“Considering the health nung ating resource person nakita naman natin siya kanina. Naging matiyaga rin naman siya sa pagsagot sa atin. We will have the next meeting sa November 25 so I move Mr. Chair na hanggang November 25,” ani Castro.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?