PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang pagbubukas ng Kalye Pag-ibig kung saan itinampok ang unang episode ng Navo Negosyo Knowledge na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa pagnenegosyo sina Mr. Greg Romero ng Gretag Flowershop, Mr. Lucio Romelito ng Rommel Store, at Ms. Maricel Panganiban ng Mhieeloves Kitchen. Nagkaroon din ng special performances ng Spoken Word Poetry at song numbers mula sa mga piling kabataang Navoteño. Bukas ito 5-10 PM araw-araw hanggang 14 February, saktong-sakto para sa Valentine’s date dahil 26 Navoteño small businesses ang maaaring pagpilian para sa food, drinks, at Valentine’s gifts. (JUVY LUCERO)
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!