December 25, 2024

12 players, 2 coaches ng Miami Marlins, nagpositibo sa COVID-19

Kinansela ng  Major League Baseball ( MLB) ang home opener ng Miami Marlins kontra Baltimore Orioles. Ito ay matapos mapag-alaman na halos kalahati ng players ng team ang nagpositibo sa Coronavirus.

Ayon sa ulat ni Jon Heyman ng MLB  Network, 12 players at 2 coaches ang nagpositibo sa COVID-19. Kabilang sa mga ito ang pitcher ng Marlins na si Jose Urena. Gayundin ang outfielders na sina Garrett Cooper at Harold Ramirez.

Noong Linggo, Hulyo 26, apat sa players ng Marlins ang nagpositibo sa COVID-19. Gayunman, hinarap pa rin nila ang Philadelphia Phillies sa unang linggo ng MLB shortened 2020 season.  

Kalaunan, napag-alaman ng Marlins na 10 ang nadagdag sa nagpositibo sa COVID-19. Kabilang na nga rito ang 8 players at 2 coaches.

They’ve got 10 percent or more of their entire [traveling] group positive. That suggests that there’s a high probability that more people are going to end up testing positive,” ani Dr. John Swartzburg, ng UC Berkeley’s School of Public Health, Division of Infectious Disease.

We sent a text out to our players and made sure that they knew what was going on,” saad ng team manager ng Marlins na si Joe Girardi .

“We’re constantly reminding the guys. I mean, you have to be safe.”

Bago ang pagharap sana sa Baltimore, nasa Philadelphia ang Marlins at nakatakda sanang bumalik sa Miami para sa home game.

Kinansela rin ng MBL ang laro ng Phillies laban sa New York Yankees. Ito’y sa kadahilanang nagsagawa ng full contact tracing ang liga.

Kaugnay nito, lahat ng players ng Marlins ay dumaan sa test. Papayagan lamang maglaro ang team kung walang ibang players nito ang nagpositibo. O kaya’y napaulat na mayroong sintomas ng nasabing sakit.