December 24, 2024

Kailangan pa ring mag-ingat sa kabila ng pagluwag ng sitwasyon

Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.Muli na naman tayong tatalakay sa mga isyu sa ating bayan, mga Cabalen.

Medyo napapansin natin na lumuluwag na ang kinauukulan kaugnay sa restriksyon sa gitna ng pandemya.

Kagaya ng pagpayag ng mga NCR mayors na lumabas-labas sa mga bahay-bahay ang mga menor de edad. Ito ay sa layung muling buhayin ang nanamlay na ekonomiya dahil sa COVID-19 pandemic.

Dati ay 18 hanggang 65-anyos lang ang pinapayagang lumabas. Ngayon, sangayon ang Metro Manila Council at mga LGU’s.

Kahapon nga, ikinasa na ang General Community Quarantine (GCQ) sa ilang establishments ng IATF. Kung saan,pinapayagan na ang pagbubukas ng public libraries, museo na accredited ng Department of Tourism at arcade games at mga sinehan.

Gayunman, sa puntong ‘yan mga Cabalen, tutol ang mga MMC sa ganyang siste. Anila, kulob ang mga naturang pook. At sa ganyang senaryo, madali ang pasahan at hawaan ng virus.

Ika nga ni Parañaque City Mayor Edwin Olivares, hindi dapat isakripisyo ang health protocols. Enclosed daw ang mga sinehan at kwestyunable ang bentilasyon. Bukod pa sa tatlong oras itong naka-air conditioned.

Kung magkagayun, malaking dagok pa rin ito sa mga may-ari ng mga sinehan dahil halos isang taon nang hindi nakababawi.

Naapektuhan ang movie industry dahil sa pandemya at umaasa ang mga tao sa entertainment sa social media at sa Youtube.

Sa kabila ng pagtutol ng mga mayors, dumepensa rito ang Palasyo. I a ga ni Presidential Spokesman Harry Roque, dapat bigyan ng consideration ang mga sinehan para makabangon. Kaakibat din nito ang pagsigla at pagbangong ng ekonomiya, ng industriya ng movies.

Aniya, kaya mabagal maka-recover ang bansa kumpara sa ibang bansa sa mundo dahil sa mahabang ipinatutupad na lockdown.

Alam naman aniya ng mga kababayan natin na pangalagaan at protektahan ang sarili. May punto ang mga LGU’s at may punto ang Palasyo.

Huwag tayo maging OA sa sitwasyon. Angh kailangan lamang ay timbangin ito at magawa ang nararapat. Yung hindi naisasaalang-alang ang ating buhay at kalusugan.