
Balik hard court na ang 7 foot 3 at Gilas center na si Kai Sotto para sa Yokohama B-Corsairs sa nagpapatuloy na season ng Japan B. League.
Tinalo ng koponan ni Sotto na Yokohama B-Corsairs ang Toyama Grouses sa iskor na 100-95.
Nakapagtala ang Gilas Pilipinas standout ng 9 points, 5 rebounds, 2 assists at 2 blocks para tulungan ang Yokohama.
Nakatuwang ni Sotto sa panalo si Yuko Kawamura na nagtala ng 25 puntos at B. League record na 20 assists. Gayunpaman, hindi sapat ang panalo ng Yokohama para umangat ito sa standings.
Inaasahan ang kanyang buong puwersa para matulungan ang Yokohama na umangat sa kartada nitong 12-15 na sa kasalukuyan nasa ika-labing siyam na puwesto. RON TOLENTINO
More Stories
Mahigit 4,000 PDLs, nakaboto sa Halalan 2025—BuCor
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente