Sasalang si Kai Sotto sa 2022 NBA Draft matapos magdesisyon na go siya na sumalang ayon sa source. Idaraos ang NBA Draft sa darating na July sa New York. Ayon kay Adelaide 36ers coach CJ Bruton, maaaring maging batang Shaquille ‘O Neil si Sotto. Ito ay dahil sa may potensiyal siyang dominahin ang paint.
” He must go into the next level,“pahayag ng coach. Nagpapahitawig na rin ang 7-foot-3 player na iiwan ang team. Senyales na sasalang na siya sa NBA.
“l have to be honest with you, just the memories l felt with this team, and the bonding moments will be unforgetable ’till l get older,” aniya.
” Nagsabi na ‘yung bata, sabi niya, magpapa-draft daw siya. Hindi raw dapat pinalalampas ang magandang opportunity,” ayon sa source mula sa kampo ng 19-year old cager.
Dahil sa tapos na ang 2022 NBL season sa Australia, nagdesisyon si Sotto na sunggaban na ang pagkakataon. Katunayan, 7 NBA team umano ang kumontak sa kanya. Kabilang na rito ang Miami Heat, Utah Jazz at Cleveland Cavaliers. Gayundin ang Phoenix Suns, Sacramento Kings, Memphis Grizzlies at Golden State Warriors.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA