December 24, 2024

KAI SOTTO, PWEDE NA KAYANG MAGPA-DRAFT SA NBA?

Pwede na kaya si Kai Sotto sa NBA sa kabila na edad-19 anyos pa lang siya. Mismong coach niya sa Adelaide 36ers na pwede na siyang magpa-draft. Ang tanong, maaari na ba o dapat pang magpahinog sa NBL?


May taas si Sotto na 7-foot-3. Bihira ang ganitong mapagkalooban ng height. Sa NBA, ilan lang ang may taas na lagpas sa 7-feet. Marami itong pahihirapan kapag nahinog. At kung sakali, siya na ang first full-blooded Filipino na maglalaro sa liga.


Ang NBL sa Australia ang hasaan ng dating Ateneo Blue Eaglet. So far, maganda naman ang kanyang nilalaro. Sinusulit na ang quality minutes na ibinibigay sa kanyang playing time.


Kapag NBA Draft naman ang pag-uusapan, masasabi nating walng masama. Hindi kalabisan kung nais nang sumabak ni Kai sa prestigious basketball league sa ating planeta.


Mainam ito kung tutuusin. Na habang maaga ay doon siya magpakahasa. Matututo siya run at mai-improve pang lalo ang laro.
Malaki ang maitutulong na napag-uusapan siya. Tandaan natin na ang NBA ay business din. Kung ano ang makatutulong sa liga, kakagatin yan. Mas darami ang followers ng NBA sa Pilipinas kapag nagkataon.
Ang tanong, sino-inong team naman kaya ang magiging interested na kunin siya? Malamang ay yung may pagpapahalaga sa Filipino Heritage. Maaaring si Miami Heat dahil nandun si coach Erik Spoelstra. Sa Golden State Warriors, Houston Rockets at Utah Jazz. Para magkasama sila ni Jordan Clarkson.


Malamang magiging interesado si San Antonio Spurs Gregg Popovich na kunin siya. Gusto ni Popovich na maghasa ng malalaki at ilaro ang tunay na laro ng sentro. Gaya ng ginawa niya kina David Robinson at Tim Duncan.


Ang isa pang rason, bata pa siya kaya pwede pang mag-improve. Ano man ang kahihinatnan nito, magiging proud tayo kay Sotto.