Lumipat na ng koponan si Filipino basketball player Kai Sotto sa paglalaro niya sa Japanese Basketball League.
Mula sa koponan nitong Hiroshima Dragonflies ay lilipat na ito sa Yokohama B-Corsairs sa natitirang 2023-24 B. League Season.
Ang 7-foot-3 na Pinoy center ay hindi pa nakapaglaro ngayong season dahil sa kaniyang injury sa likod.
Nagpasalamat naman si Sotto sa koponan matapos na piliin siya at umaasang magkakamit pa ng mas maraming panalo ito.
Sa kasalukuyan ay mayroong 10 panalo at 14 na talo ang B-Corsairs. (RON TOLENTINO)
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO