May 4, 2024

AUSTRALIAN OPEN, PINAGHAHANDAAN NA NI RAFAEL NADAL

Naghahanda na ang mga malalaking pangalan sa larangan ng tennis para sa pagsabak nila sa Australian Open sa buwan ng Enero.

Matapos ang paggaling mula sa injury ay todo-ensayo na si Spanish player Rafael Nadal.

Habang ang kapwa tennis superstar na si Novak Djokovic ay asam na makuha ang kampeonato sa 11th Australian Open title.

Sumabak na si Nadal sa Brisbane International na magtatapos sa Disyembre 31 bilang paghahanda sa Australian Open na magsisimula sa Enero 7.

Ang 22-time Grand Slam Tournament winner na si Nadal kasi ay hindi na nakapaglaro mula ng pagkatalo sa ikalawang round kay American Mackenzei McDonald sa Australian Open ngayong taon.

Ilan sa matunog na pangalan din na magpapakitang gilas ay ang 36-anyos na si Novak Djokovic na nagwagi ng tatlong Grand Slam ngayong taon pero dalawang beses itong natalo kay Jannik Sinner sa Davis Cup.

Habang ang Spanish world number 2 na si Carlos Alcaraz ay nagkampeon sa Wimbledon final ng talunin si Djokovic. RON TOLENTINO