November 23, 2024

KAI SOTTO LALARO SA MAVS SA SUMMER LEAGUE?

Nakamit ni Kai Sotto ang pinakamalaking pagkakataon na maipamalas ang kanyang buong kakayahan matapos itong imbitahan na maglaro sa Dallas Mavericks sa NBA Summer League 2023 sa Hulyo 7-17.

Ang impormasyon ay nagmula sa Power & Play na sports program ni Commissioner Noli Eala nitong Sabado, Hunyo 10.

Habol pa rin ni Sotto ang posibleng pagbabalik bansa para irepresenta muli ang Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa Agosto.

Natapos na ni Sotto ang kanyang ikalawang NBA mini-camp sa Utah Jazz sa Salt Lake City at dalawa sa Dallas Mavericks sa Texas City.

Kasama din si Kai sa susunod na 3rd mini-camp sa New York Knicks sa Hulyo 12-14.

Aminado si Sotto na maraming pagbabago at mas pinahusay niya ang kanyang sarili bilang isang basketball player habang maraming pagkakataon ang nalalapit sa abot-tanaw na pangarap.

Nakausap ni Sotto at ng kanyang ahente na si Tony Ronzone si Commissioner Noli Eala sa kanyang programang Power & Play nitong Sabado para ibahagi kung paano napunta sa ngayon ang kanyang pangalawang shot sa isang NBA roster spot.

“We’ve got [Kai’s] name out there. People were educating teams on him that’s why he’s going to as many camps,” sabi ni Ronzone. “They know he’s working out in L.A. where we’re working on his game to try and get him into better shape.”

Binigyang-diin din ni Ronzone ang dalawang “elite skill sets” na makabuluhang binuo ni Sotto sa kanyang laro na rebounding at passing.

Nais din ng 7-foot-3 na mas mapalawak ang kanyang arsenal ng mga kasanayan at pangangailangan na maglagay ng mas maraming panahon upang maabot ang antas ng kalibre ng NBA.

“I feel like a better player now and I’m getting better everyday. I’ve learned so much from my past experiences playing in all these different leagues and games,” sabi ni Sotto.

“Ngayon, I just have to show it with 100% effort everytime I step on the court. Ito ‘yung mga bagay na kaya kong kontrolin and that’s what I’m deciding to focus on,” sabi pa nito.

Maliban sa kanyang summer training camps sa Utah, Dallas at New York, si Sotto ay may ilang mga international duties na nakahanay – ang kanyang sophomore year sa Japan B.League sa Hiroshima Dragonflies at Gilas Pilipinas duties bilang bahagi ng 21-man pool para sa FIBA Basketball World Cup noong Agosto.