Inanunsiyo ng NBA G League na nagkasundo ang Team Ignite at si Kai Sotto. Ayon sa ‘mutual decision’, pakakawalan ng team si Sotto dahil sa ilang circumstances.
Ayon kay G League President Shareef Abdur-Rahim, naiintindihan nila ang lagay ng 7’3 teen sensation. Kabilang na rito ang international travel constraints.
Gayundin ang quarantine times at health safety protocols.
“Kai will always be part of the extended Ignite family and we wish him continued success as he pursues his NBA dreams,” aniya.
Panata ni Sotto na maglaro sa team Pilipinas sa final window ng FIBA Asia Cup qualifiers. Kaya, tumulak ito pabalik ng bansa para sumali sa Gilas Pilipinas.
Dahil dito, hindi nakapaglaro si Kai sa Ignite. Bagamat wala, nagtala ang team ng 4-0 start.
May isa pang Filipino-American prospect ang team sa katauhan ni Jalen Green.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!