Sureball na si Kai Sotto na makapaglaro sa NBA at iniimbitahan na ito ng ilang teams para sa training camp. Kabilang na rito ang Atlanta Hawks, Orlando Magic, New York Knicks at Chicago Bulls.
Pero kung siya ang tatanungin, gusto niyang maglaro sa San Antonio Spurs. Ito ang gusto niyang team na kumuha sa kanya sa NBA Draft. May tsansa ang team na kunin ang No. 9 pick overall. Gayundin ang pares ng late 20’s picks at early second round pick.
May posiblidad na bumagsak sa team ang 2nd round 38th pick. Malamang na dito makakamada ang 7’3 teen player ng Pilipinas.
Sa panayam sa kanya ng Nets Daily, tinanong si Sotto kung anong team ang gusto niya. Sinagot niya ang silver at black uniform na patungkokl sa Spurs.
“I want to say the Spurs, but the Spurs are not in the playoffs anymore,”aniya.
Inamin din niya na tagahanga siya ni Tim Duncan. Kaya, pinangarap niyang maglaro sa San Antonio.
“I really look up to Tim Duncan. I always see him as this player that doesn’t need to trash talk his opponents, doesn’t complain – that’s just me. Seeing him always locked in, and he’s a winner. That’s what I want to be,” dagdag nito.
“And we actually already have commitments from at least one team that said if he stays in the draft, we’ll draft him. We have that already,” ani naman ng agent ni Kai patungkol sa team.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA