TANGGAP na ni Dominic Roque, na hindi na matiutuloy na pakasalan niya ang babaeng mahal niya. Kaya nagdesisyon na si Dominic Roque, na palayain na lang niya si Bea Alonzo sa kanyang buhay.
“Apektado si Dominic Roque, hindi sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Apektado siya dahil sinira siya ng walang laban, nagmahal lang naman iyong tao. Pero kahit masakit ang pukol sa kanya ng mga tao, at nang babaeng minahal niya ay pinotektahan parin ang babaeng minahal niya.
“Ready to move on na siya ngayon, dinadaan na lamang niya sa ngiti ang lahat. Kahit hindi natuloy ang kasal nila ni Bea, ay hindi naman niya isinasara ang puso niya. At Alam niyang in a right time ay darating din iyong babaeng ihaharap niya sa dambana, pinasa Dios na lang niya ang lahat.
“Wala siyang sama ng loob sa mga nangyari, nasira man ang pagkatao niya ay maluwag niyang tinanggap ang lahat. Sa mga bashers niya, ngiti na lang din ang pinukol niya pero hindi siya nagpaapekto sa bira ng mga ito,” saad pa ng aking source.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY