Kahit medyo maalat ang shooting ni Stephen Curry, nagawa pa ring katayin ng GSW ang Utah Jazz, 94-92.
Nanguna sa panalo ng Warriors si Jordan Poole na lumagare ng 20 points at 3 boards. Nag-ambag naman si ‘The Chef’ ng 13 points, 6 ast, at 4 boards.
Samantala, nilapa naman ng Minnesota Timberwolves ang Brooklyn Nets, 136-125. Bumida si D’ Angelo Russell sa panalo ng Wolves. Nagtala siya ng 23 points, 10 assists at 5 boards.
Kumana naman si Anthony Edwards ng 23 points. Habang 30 points, 6 boards naman ang ginawa ni Karl Anthony Towns.
Sa panig naman ng Nets, pumukol si Kyrie Irving ng 30 points at 6 boards. Tumipa naman si Patty Mills ng 23 points at 3 boards.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison