TAMA ang desisyon ng GMA 7 na bigyan ng isang drama revenge itong si Harlene Budol. Dahil baguhan sa kanyang first lead role para sa ‘Magandang Dilag,’ noong una ay halatang baguhan sa pag-arte si Harlene. Pero habang tumatagal ay nadedebelop siya, at kayang-kaya na niya ang mga heavy scene.
“Drama revenge po ang istorya ng ‘Magandang Dilag,’ noong una ay kabado talaga ako kasi halos lahat ng mga kasamahan ko ay mga mahuhusay. Ako halatang baguhan na any time ay baka mamali, pero tulungan talaga kami kaya hayon ginalingan ko naman.”
“Mahuhusay po lahat ng kasama ko sa ‘Magandang Dilag’ gaya nina Benjamin Alves, Eric Oliveros, Rob Gomez, Maxine Medina, Ms. Sandy Andolong, Ms. Chanda Romero, Adrian Alandy, Bianca Manalo, Pamela Prinster, Msuriel Lomadilla, Prince Clemente, Angela Alarcon, Jade Tecsin at Al Tantay. At ang Director namin ay si Don Michael Perez, na talagang inalalayan niya ako sa bawat eksena kukunan.”
“Iyang mga naranasan ko sa kanilang lahat kapag kaeksena ko sila, dami kong natutunan sa kanila kaya happy talaga ako sa role ko dito sa ‘Magandang Dilag’ ng GMA 7,” masayang pagtatapos ni Harlene Budol.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA