November 5, 2024

KAGALAKAN SA SALITA NG DIYOS (ANG BILANGGUAN SA FILIPOS Gawa 16:34-40 Huling Bahagi)

Ganito ang pagtanggagap ng isang kawal na Gentil sa Salita Ng Diyos.

Pagkatapos sila’y isinama niya sa kanyang tahanan at hinainan ng pagkain. Galak na galak siya at ang buong sambahayan,sapagkat sila’y natutong sumampalataya sa Diyos.

Kinaumagahan,inutusan ng mga pinuno ng lunsod ang mga kawal na palayain Sina Pablo at Silas.

At sinabi naman ito ng bantay sa bilangguan kay Pablo; “Pinag-utos po ng mga pinunong palayain na kayo.”

“Lumabas na kayo at humayong mapayapa,” wika niya.

Subalit sinabi ni Pablo sa mga kawal, “Ipinahampas nila kami nang hayagan at ipinabilanggo nang hindi man lang nilitis, gayon kami’y mamamayang Romano! At gayo’y palihim kaming palalayain!

Hindi maaari! Sila ang pumarito at magpalaya sa amin.” Ipinaalam ng mga kawal sa mga pinuno ng lunsod ang sinabi ni Pablo,at natakot sila nang malaman mamamayang Romano pala ang mga iyon.

Kaya’t sila’y pumaroon at huminggi ng paumanhin sa dalawa. Inilabas nila ang mga ito at pinakiusapan umalis.

Paglabas ng bilangguan,sina Pablo at Silas ay nagtuloy sa bahay ni Lydia; dinatnan nila roon ang mga kapatid bago bago umalis ang dalawa,tinangumbilinan nilang magpakatatag sa pananampalataya ang mga ito.