NAGSAGAWA ng simultaneous national launching ang Kadiwa ng Pangulo sa iba’t-ibang lugar sa buong bansa, kabilang ang Lungsod ng Navotas na pinamumunuan ni Mayor John Rey Tiangco kung saan tampok dito ang mga mura at masustansyang paninda tulad ng mga gulay at prutas, bigas, fish products, dairy products, at marami pang iba. Ang Kadiwa ng Pangulo ay proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos na naglalayong gawing abot-kaya at abot-kamay ang mga pangunahing pangangailangan sa bawat pamilyang Pilipino at makatulong sa mga magsasaka, mangingisda, at micro, small, and medium enterprises (MSMEs). (JUVY LUCERO)


More Stories
MAGIC 12 SA SENADO DIKDIKAN – SURVEY
DOTr SEC. DIZON: MOTOVLOGGERS NA ABUSADO, ‘MATIK’ SUSPENDIDO
CUSTOMS PINURI NI MARCOS SA TAGUMPAY LABAN SA MONEY LAUNDERING