NAIS ni Ang Probinsyano party list Rep. Alfred Delos Santos na muling bumalik ang interes ng mga kabataang nasa probinsya sa pagsasaka upang makatulong sa pagpapakain sa Pilipinas ngayong pandemya.
Sa opisyal na pagbubukas ng kampanya ng Ang Probinsyano party list sa Marikina City, sinabi ni Delos Santos na isusulong niya ang iniakdang panukalang-batas noong 18th Congress na nagsasaad ng promosyon ng agrikultura sa mga kabataan.
“Alam n’yo po sa ibang bansa, sa Estados Unidos, nakita nati na ang mga magsasaka, mayayaman iyan, may sariling tractors ‘yan, may sariling lupain. So bakit mayroong stigma na kung magsasaka ka ikaw ay isang pobre?” ayon kay Delos Santos.
Nais umano niyang baguhin ang paniwalang ito sa sa pagkakaroon ng education system sa agricultural sector kug saan hinihikayat ang mga kabataan na muling bumalik sa pagsasaka.
“So baguhin natin iyan, let’s help ng agrarian sector to really earn a lot kasi sila naman po talaga yung nagbibigay sa atin ng pagkain,” dagdag pa ni Delos Santos.
Ikinalungkot rin ni Delos Santos ang ginagawang pagbebenta ng mga magsasakang Pilipino ng mga bukirin dahil sa hindi makasabay sa mas murang produkto na ini-import ng Pilipinas.
“I think still the best way is to give them modernization and technology program para mas mapagkakitaan nila yung hina-harvest nila and the same time mas mapadali maging efficient ang kanilang pagha-harvest, kasi alam natin hanggang hindi tayo mamo-modernize hindi tayo makakasabay sa global market. Hindi natin kayang lumaban sa presyo nila,” paliwanag niya.
Bukod dito, sinabi ni Delos Santos na sa 19th Congress, magpapasa siya ng mga batas para sa mga negosyante para makabawi ang bansa mula sa pagkakalugmok sa pandemya. Kabilang dito ang pagbibigay ng libreng kapital sa mga maliliit na negosyante upang patuloy silang makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino. (Danny Bacolod)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA