Narito na muli sa Pilipinas si Gilas naturalized player Justin Brownlee.
Ang kaniyang pagbabalik ay natataon lamang sa dahil sa loob ng dalawang linggo ay sasabak na ang Gilas Pilipinas sa unang window ng FIBA Asia Cup qualifiers.
Sinabi nito na sabik na itong makapaglaro ng basketball at isang malaking karangalan na maglaro bitbit ang bandila ng Pilipinas.
Magugunitang binigyan ng Notice of Charge ng FIBA si Brownlee matapos ang anti-doping violation nito noong 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Makakasama ni Brownlee ang mga Gilas players na binubuo nina Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, June Mar Fajardo, Dwight Ramos, AJ Edu, Carl Tamayo, Kai Sotto, at Kevin Quiambao.
Unang makakaharap ng Gilas ang Hong Kong sa Pebrero 22 na gaganapin sa Tsuen Wan Stadium at makakaharap nila ang Chinese Taipei sa Pebrereo 25 sa Philsport Arena.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY