May 17, 2024

Justice Secretary may buwelta kay Teves… REMULLA ‘ADIK’ SA PULBOS?

Umiinit ang word war sa mainstream at social media nina Remulla at Teves.

Buwelta ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa bagong banat ni suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. tungkol sa alegasyon na gumagamit ng pulbos ang kalihim.

Ayon kay Remulla, tanging si Teves lamang ang nakakakilala sa kanyang sarili na makakapagsabi at makapagpapaliwanag kung anong uri siyang tao

Banat ni Remulla nababakas ang nilalaman ng kaisipan ng mambabatas tulad ng kung paanong mag-isip para sa lipunan.

Reaksyon ito ni Remulla sa pasaring ni Teves sa recorded video na inilabas sa social media na nagsabing gumagamit ng pulbos si Remulla kaya ganun ang pag-iisip at mainitin ang ulo.

Sa naturang post, hindi idinetalye ni Teves kung ano ang pulbos na kanyang tinutukoy.

Iginiit ni Remulla na dahil sa bagong video ng solon ay makikita na wala ng respeto si Teves sa bansa, sa mga institusyon at mga law enforcement agencies.

Kasabay nito binatikos ni Remulla ang hindi pinangalanang mga abogado na nagtatanggol kay Teves na ipinagpalit ang prinsipyo dahil sa pera. Dinagdag din ni Remulla na si Teves ay isang gambling lord.