
Makatatanggap si PH karateka Junna Tsukii ng P1-million mula sa Palasyo. Ipinagkakaloob ito sa bawat Filipino world champ. Kuminang si Tsukii kamakailan sa World Games nang makasungkit ng gold medal.
Dinaig nito si No.2 Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0 sa finals ng women’s kumite-50kg division sa Burmingham. Siya rin ang first athlete na makatatanggap ng incentive sa panunukulan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Nagpa-abot rin ng pagbati ang Pangulo sa tagumpay ni Tsukii sa official Facebook page nito. Ang gold medal na nakuha ni Fil-Japanese ay ikalawa para sa bansa. Ang World Games ay idinaraos isang taon matapos ang Olympics. Kung saan, tampok ang mga events na karaniwang wala sa list ng olympiyada.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA