December 24, 2024

JULIA BARRETTO, GUSTONG GAWING PRIBADO ANG BAGONG KARELASYON

KAPAG pa tungkol sa kanyang love life ang iyong itatanong kay Julia Barretto, hindi niya ito sasagutin kahit kulitin mo pa siya.

Pero kung ang tanong mo ay tungkol sa anong paborito niyang damit? Na gusto niyang mga lugar na puntahan ay game niya itong sumagot.

“Last March 10, sa araw mismo ng kanyang kaarawan ay pa hapyaw niyang sinabi at ipinakilala niya iyong guy na nagpapatibok ng kanyang puso. Kasama niya iyong guy na kasalo pa ng pamilya niya, at tinawag niya itong ‘a loved one.’ Pero iniwas niya ito sa Press at sa Social Media.

“Nadala na siguro si Julia, kaya mas minabuti na lang niyang itago ito at protektahan. Kung lantad nga naman, nagkakaroon ng pamba-bash hanggang mauuwi sa hiwalayan. Trauma iyon sa kanyang side, kaya naiintindihan namin kung bakit gusto ni Julia na gawing pribado ang bagong relasyon niya para iwas nga naman sa intriga.” Pahayag pa ng aking source.