Hindi kaila sa bayan ni Juan De la Cruz na pumalo na naman ang kaso ng COVID-19. Sapol nang pumasok ang buwan ng Enero, dumami ang kaso hatid na rin ng Omicron variant. Habang tinitipa ang suplementong ito, humigit-kumulang nasa 38,000 na ang new cases. Mahigit sa 290,000 ang aktibong kaso.
Hindi gaya sa Amerika na itinuturing na simpleng flu lang ang Omicron, iba sa Pinas. Marami ang nagka-trangkaso bunga na rin ng paglamig ng temperatura. May ilang panukalang hakbang na iminumungkahi upang mapababa ito.
Sa gayun ay makamtan ang immunity herd sa bayan ni Juan.
Na itigil muna ang pagbabakuna o ‘vaccination break’. Kasi, nga kapag may vaccination, kumpulan ang mga tao. Kaya, nagkakaroon ng hawaan.
Hindi rin maiiwasan maging ang nakatuka sa pagpapakuna ay spreader din daw. Kung di maiiwasan, may iskedyul dapat ang mga magpapa-vaccine. Ituka sa iskedyul. Sa gayun ay limitado ang pagtungo ng mga tao sa vaccination site.
Ayon sa pulso ng ating mga kababayan, makabubuting magkaroon muna ng ‘vaccination break’. Sa gayun ay maiwasan ang paglobo pa ng kaso ng Omicron. Kapag bumaba na uli ang kaso, saka ituloy ang vaccination.
Gayunman, tutol dito ang iba. Lalo na ang nagkukumahog na mabakunahan. Dahil sa napagtanto nila na ang kahalagahan nito.Kinakailangang sumabay sila sa agos ng bagong mundo. Kung hindi, maapektuhan ang kanilang pamumuhay.
More Stories
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
Ang Teleseryeng Pilipino Bilang Pagpapahalagang Moral