
Dinispatsa ng defending champion JT Marvelous ang Saitama, 25-23-25-18-25-20 sa 2021-22 Japan V. League Division 1 women’s tournament sa Higashiyama Gymnasium sa Kyoto. Ito na ang second straight loss ng Ageo Medics sa torneo.
Hindi pinaporma ng reigning titlist si Jaja Santiago na nagtala lamang ng 4 points. Gumawa ito ng 3 attacks at isang block. Maalat din ang spiking nito sa 3-of-13. Bumira naman si Mami Uciseto sa Ageo Medics sa pagtala ng 12 points.
Bumida naman sa JT Marvelous si import Andrea Drews. Kumana ito ng 22 points sa 19 attacks. Gayundin ng 2 block kills, at service ace in the one-hour at 31-minute contest.
Nag-ambag naman si Mizuki Tanaka ng 3 blocks, 11 attacks at 14 points.
Angat sa 4-0 sa standings ang Marvelous sa nasabing liga.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT