Bukas si Ilongga volleybelle Jovelyn Gonzaga sa kanilang reunion ni Rachel Anne Daquis. Gayunman, may conflict kung sakaling papalo siya sa dalawang liga.
Di gaya noong 2019, nakapaglaro sa Philippine Army sa Premier Volleyball League (PVL) si Gonzaga. Gayundin sa Cignal Philippine Superliga.
Pero, mahirap nang pagsabayin ang laro sa dalawang league para sa 29-anyos na binasagang ‘The Bionic Ilongga’. Mas matimbang sa kanya ang maglaro sa Army.
“Very clear na sa Army talaga ako pupunta since Army talaga ang aking mother team,” aniya sa OTR kasama si Migs and Cesca.
“Sobrang naiintindihan naman ng Cignal and very supportive talaga sila.” Dahil dito, ang kanilang decade- long partnership ni Daquis ay nagwakas.
Ang dalawa ay pareho ring produkto at naglaro sa FEU Lady Tamaraws sa UAAP. Mula 2011 hanggang 2016, naging guest player si Daquis sa Army. Noong 2017, pinili ni Rachel na manatili
sa PSL dahil sa one league policy. Bukod sa nakapirma siya sa HD Spikers. Noong 2019 PSL All-Filipino Conference, nanguna sina Gonzaga at Daquis sa Cignal’s Cinderalla run.
Kung saan, sinipa nila ang powerhouse Petron sa semis. Nagtapos ang team sa silver finish. Pero, dahil sa ang Cignal ay nakarekta sa PVL, naging mahirap na kay Gonzaga ang maglaro.
“Hindi natin masasabi. Malay mo sa next conference or sa next season magkasama kami ulit.”
“Hindi natin masabi eh, pero very positive na mangyayari at mangyayari ulit,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo