Bumida sina Jovelyn Gonzaga at Floremel ‘ Dij’ Rodriguez sa 2022 Australia Beach Volleyball Tour. Humakot ang team PH ng 2 gold, 1 silver at 2 bronze para sa bansa.
Kumana rin ang tandem ng fifth straight win sa women’s challenger division. Kasama rito ang paglikida sa home bets na sina Alice Zeimann at Anna Donlann 18-21, 21-19 at 15-13.
Panalo rin ang duo nina Ranran Abdilla at Jaron Requinton sa men’s challenger division I. Winalis nila ang 5 competitors sa torneo. Kabilang na rito sina Issa Batrane at Frederick Bialokoz ng England.
Dahil sa panalo, ipinamalas lang ng beach volleyball team ang kahandaan para sa SEA Games tourney.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2