September 19, 2024

JOSHUA GARCIA, KAIBIGAN NA LANG DAW ANG TURING KAY JULIA BARRETTO

FRIENDS na lang talaga ang feeling nitong si Joshua Garcia sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.

Parehong naka-move on na ang dalawa, kaya para sa kanilang muling pagsasama sa isang project ay trabaho na lang ang lahat.

Masaya naman ang JoshLia fans, dahil magkakasama na naman ang dalawa. Sana raw ay malaking tulong ang kanilang project, para muli silang magkabalikan. Pero kahit ano pa raw ang desisyon ng dating magkasintahan ay patuloy nila itong susuportahan.

Puna lang nang marami, mukhang naging better person itong si Joshua Garcia nang malayo ito kay Julia Barretto. Sign lamang na nag-matured na si Joshua, dahil kapuri-puri na ang pag-uugali nito.