
SWERTENG kasama si Joross Gamboa sa pelikula, halos lahat ng pelikulang nakasama siya ay naging blockbuster ang kita nito sa takilya.
“Hindi po ako naniniwala sa swerte, mas naniniwala ako sa pagpapala. Hindi nga ako swerte sa aking mga pelikulang nagawa, mas blessed ako kapag kasama ako sa isang pelikula. Kasi tinatangkilik siya ng mga moviegowers, at nagiging box-office ito.
“Tawag nga nila sa akin ngayon ay ‘box-office lucky charm,’ kasi lahat daw ng pelikula ipinalabas sa mga sinehan ay kasama ako.
“Ang paniniwala ko, ang tagumpay ng isang pelikula hindi nakabase sa kinita. Ang tagumpay nito ay sa dami ng mga taong napasaya at na-inspire ng bawat role na ginagampanan mo sa pelikula,” kwento pa ni Joross Gamboa.
More Stories
GSF MASTER CRISANTO CUEVAS AWARDEE SA GABI NG PARANGAL NG GILAS 2025
Petrolyo May Taas-Presyo sa Susunod na Linggo — DOE
Balik-Liderato? Sotto Kinausap ng Ilang Senador Ukol sa Senate Presidency