
Tiyak na maglalaro si NBA player Jordan Clarkson para sa Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup qualifiers. Mismong ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ang nag-anunsiyo tungkol dito. Hindi sinabi ng SBP kung alin sa FIBA, NBA at Utah Jazz nangagaling ang pagsang-ayon.’O kung sino sa mga ito ang nagbigay ng release order.
Maglalaro ang Fil-Am player para sa fourth window ng FIBA sa Agosto at sa mismong 2023 FIBA World Cup. Sa Beirut, Lebanon idaraos ang ikaapat na yugto ng torneo. Haharap doon ang Gilas sa Saudi Arabia sa August 25 at idaraos naman sa MOA ang laro sa August 29.
Gayunman, pagsapit ng October ay hindi na available si Clarkson dahil sa opening na ng NBA season. Kaugnay dito, target ding mapalaro ng SBP si NBAprospect Kai Sotto. Lalo na sa last 3 windows ng FIBA qualifiers. Pati na rin sa SEA Games at sa 2023 World Cup.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT