Hinirang bilang 2021 KIA ‘Sixth Man of the Year’ si Jordan Clarkson ng Utah Jazz. Siya rin ang unang player na nagwagi ng naturang award.
Nakuha ng 65 first-place votes ang Fil-AM cager at nakalikom ng 407 total points. Ito ay mula sa panel o sportswriters at broadcasters.
Nakuha naman ni Utah forward Joe Ingles ang second place na may 272 points. Nakakuha rin si Ingles ng 34 first-place
Ito rin ang unang beses na ang magkakampi sa isang team ang umukupa sa una at ikalawang pwesto.
“For me, it was tough. I started in LA but just coming to myself, and trying to find the impact.”
“I could have in this game and what I can bring to it. When I got that role, I just worked on it,” saad ni Clarkson.
May average si Clarkson na career-high na 18.4 points, 4.0 rebounds, and 2.5 assists. Naglalaro siya ng 26.7 minutes sa loob 68 games (one start).
Ang kanyang scoring average na 18.3 points bilang reserve ay siyang highest sa NBA.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2