HINDI makakapaglaro si dating De La Salle University (DLSU) Lady Spikers superstar Jolina Dela Cruz sa buong first conference ng Premier Volleyball League (PVL) matapos sumailalim sa matagumpay na knee surgery.
Nagpasya ang outside spiker na sumailaim sa operasyon matapos bahagyang mapunit ang kanyang kanang anterior cruciate ligament (ACL) noong last PVL All-Filipino Conference.
Sa gitna ng paglada sa bagong kontrata sa Farm Fresh Foxies matapos ma-disban ang kanyang mother franchise na F2 Logistics Cargo Movers sa PVL, napagkasunduan ni Dela Cruz at ng mga coaching staff na i-delay muna ang kanyang debut ngayong Pebrero.
Na-injured si Dela Cruz noong nakaraang Nobyembre 2023 sa intense na laban sa F2 Logistics kontra sa PLDT High-Speed Hitters. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA