![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-22.png)
NAGHARI sa pamamagitan ng tiebreak si Johnny Wellem Carzano ng Tangub City sa katatapos na Mayor Bertoldo “Dodong” Murallon Jr. active open chess championship na ginanap sa Municipal Mess Hall Tuno, Don Victoriano Misamis Occidental nitong Pebrero 3, 2025.
Si Carzano na nakisalo sa unahang puwesto kasama si Jarfinel Amodia na may tig-5.0 puntos sa active time control event na sinagawa kaalinsabay ng pagdaraos ng 43rd Araw ng Don Victoriano at Annual Fiesta Celebration ’25. Sa pinakamataas na tie break points, nakuha ni Carzano ang titulo kasama ang taginting na premyong P4,000 habang pumangalawa si Amodia para kumita ng P3,000.
“I Am happy for my performance,” sabi ng 36-year-old Carzano na tumapos ng 5.0 points sa six outings na may account na five wins at one loss.
Nagpasalamat si Carzano, dating varsity player sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City sa kanyang mentor na si Atty. Peter Chin Dur, Engr. Billy Joe Ereno at ang pamilya ng NJSB Chess Academy para sa pagsuporta sa kanyang kampanya sa chess.
Ang mga nagtapos ng top 13 ay sina Rodney Opada (4.5 points), pang-apat na Julius Ablin (4.0 points), panglima Adrian Bohol (4.0 points), pang-anim na Mardonio Fuentes (3.5 points), pangpitong Edmund Virgilio Putong (3.0 points), eight John Rhey Mangubat (3.0 points), ika-siyam na Lordan Baco (2.0 points) Chrispin Lopez (2.0 points), 12th Ian Gudmalin (2.0 points) at 13th Isidro Gumilid (2.0 points).
Nakatakda siyang sumabak sa 2025 Sydney International Open Chess Championship na gaganapin sa Abril 23 hanggang 27, 2025 sa Sydney, Australia. (DANNY SIMON)
More Stories
EROPLANO AT MILITARY CHOPPER NAGSALPUKAN SA ERE SA WASHINGTON (Pinoy na pulis kabilang sa mga nasawi)
AKBAYAN: PANAHON NA PARA I-IMPEACH SI VP SARA (Anong petsa na?)
PAGPAPALAYAS SA MGA ILLEGAL POGO WORKERS SA BANSA MINAMADALI NA NG BI