May 18, 2024

JOHN LLOYD CRUZ, 4 NA TAON ANG NASAYANG PERO ‘DI PINAGSISIHAN

Walang pagsisisi itong si John Lloyd Cruz sa mga naging desisyon niya sa kanyang showbiz career.

Bali apat na taon ang nasayang sa actor, kaya naman lumamlam ang showbiz career niya at na taon pang pandemya. Kaya halos tanong nang nakakarami makabawi pa kaya si JLC?

Hindi niya pinagsisisihan na mas pinili niya na maging pribado ang kanyang buhay sa piling ng kanyang ex-girlfriend.

Ngayong under CAM na si JCL, muli na niyang pasisiglahin ang tumamlay niyang career. Ibinalik na rin niya ang kanyang clean cut image at tiyak na marami siyang mga followers na mapapasaya sa ngayon.

Mukhang sina Bea Alonzo at Sarah Geronimo, ang makakatambal niya sa kanyang pagbabalik showbiz.

Kaya masayang masaya ang mga fans ni Lloydie sa kanyang pagbabalik, at hindi sila nag-aalala dahil alam nilang makakabawi ang kanilang idolo.