Go pa rin si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers para sa Game 5 ng NBA playoffs. Kahit nakumpirma na may torn ligament sa sa right thumb sangayon sa resulta ng MRI exam. Target na kasing tapusin ng 76ers star center ang series kontra Toronto Raptors. Lamang sa series ang 76ers na may 3-1 kartada.
“I want to play. I would imagine that I keep playing and probably do something after the season,” saad nito.
Hindi na nagulat sa nasabing findings si coach Doc Rivers. “It just confirmed what we thought,” aniya.
“Nothing changes, treatment’s the same. There literally will be no change. It’s just, we thought it was and it was, so you just keep moving on.”
Inulat ng ESPN na sasailalim sa surgery si Embiid pagkatapos ng postseason. Sa loob ng 4 games sa series, may average si Embiid na 26.0 points at 11.8 rebounds.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!