Noong bata pa si Philadelphia 76er’s star center Joel Embiid, may inamin siya sa isang panayam sa ‘ Dan Patrick Show”.Na siyay pumatay ng isang leon noong siya ay 6-anyos pa lamang. Si Embiid ay tubong Cameroon sa Africa, ay di nakaiwas sa isang ritwal sa kanilang pamayanan. Na kinakailangang pumatay ng leon bilang bahagi ng ritwal o “rite of passage” na lubhang mahalaga at kailangang maipasa ng isang kabataang gaya niya sa kanilang tribu.
Aniya, siya pa mismo ang nagtungo sa gubat at naghanap ng leon na mapapatay. Nang magtagumapy, pinasan niya ito sa kanyang likod at bumalik sa kanilang village. Sa gayun ay mapatunayan niya na isa siyang ganap na lalaking barako.
Gayunman, pinagsisishan niya naman na niya ang ginawa niya noon. Katunayan, dumadalw siya sa mga santuwaryo kung saan may mga leon at batang leon upang pakainin.
Si Sudanese at dating NBA player Manute Bol ay nakapatay din ng isang leon. Si Bol, may taas na 7’7. Naglaro siya sa Washington Bullets ( Wizards na ngayon) at Golden State Warriors noong dekada 80 hanggang 90.
Naging bayani siya ng kanilang pamayanan dahil sa pagtulong sa mga kapaus-palad. Pero, higit na nagmarka ang kanyang kabayanihan para sa kapakanan ng kanyang pamilya— maging ng kanilang alagang hayop.
Noong sisilain ng isang leon ang kanilang alagang baka, labag man sa loob ay sinibat ni Bol ang leon. Sa gayun ay hindi na makapambiktima pa ng inosenteng tao. Markado si Bol sa pagiging mapagmahal sa mga baka. Katunayan, ibinili niya ng 80 baka ang kanyang asawa.Si Bol ay pumanaw sa edad na 47-anyos noong June 2010 at isang malapit na kaibigan ni NBA player icon Charles Barkley.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Jail’, Nasa YouTube na!