
Naging maganda ang resulta ng pagbabalik ni Joel Embiid sa laro sa Game 3 ng East semifinals. Mula sa injury, pinangunahan ni Embiid ang pag-ilado ng Philadelphia 76ers sa Miami Heat, 99-79. Naglista ang big man ng 18 points, 11 boards at 1 block.
Lumagare naman si Danny Green ng 21 points at 4 assists. Kumana naman si James Harden ng 17 points, 8 boards at 6 assists.
Sa panig naman ng Heat, bumira si Jimmy Butler ng 33 points, 9 boards at 2 steals. Sa ngayon, lamang pa rin sa series ang Miami sa kartadang 2-1. Ikinatuwa naman ng mga ans ng 76ers ang performance ni Embiid.
Kung saan, naglaro pa ito na may suot na maskara. “Embiid presence alone revived this team (76ers),” anila.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76