Sinuspende ng PBA si Jio Jalalon ng Magnolia Hot Shots dahil sa nagawang violation nito. Nalabag kasi ng ‘The Bus Driver’ ang isang alituntunin ng liga.
Isa pa, lumabag din si Jalalon sa ipinatutupad na health protocols. Naglaro sa ‘ligang labas’ si Jalalon. Makikita sa isang litrato na kumalat sa online na kasama sa outdoor games.
“Umamin sa akin yung bata at humihingi ng paumanhin na hindi na raw niya uulitin,” sabi ni PBA Commisioner Willie Marcial.
Dahil dito, pinagmulta si Jalalon ng P75,000 at five-day suspension with no pay. Noong Biyernes, inanunsiyo ng PBA na ang mga protocol violators ay pagmumultahin ng P75,000.
Kasama sa parusa ang 10-day suspension with no pay. Sa kaso ni Jio, nangyari ang ligang labas bago pa i-implement ang batas. Kaya, binawasan siya ng 5-days suspension with no pay mula sa 10.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2