Kasal na ang panganay na anak ng Pambansang Kamao na si Jimuel Pacquiao sa kanyang non-showbiz partner na si Carolina sa isang intimate garden wedding na ginanap sa California, United States.
Naging saksi sa napakagandang okasyon ang buong pamilya Pacquiao sa pamumuno ng kanyang ama na si Manny Pacquiao at ina na si Jinkee.
Dumalo rin ang kanyang mga kapatid na sina Mary, Queenie, at Israel, pati na ang kanyang lola na si Mommy Dionisia at Tita Janet na siyang nagbahagi ng ilang pasilip sa naganap na kasalan sa pamamagitan ng Instagram Stories nitong Sabado, Hunyo 13, 2026.
Sa gitna ng seremonya, emosyonal at puno ng pagmamahal na lumapit ang bagong kasal sa kanilang mga magulang upang magmano, yumakap, at humalik bago tuluyang magpalitan ng sumpaan.
BASAHIN: Beteranong brodkaster ng GMA na si Jimmy Gil, pumanaw na, 79
Sinalubong naman ng masiglang tugtugan ng isang live band ang mga bisita sa reception. Nagbahagi rin ng mga video sa Facebook ang partner ni Mommy Dionisia na si Mike Yamson, kung saan mapapanood ang kamakailang kampeon ng “The Voice USA” na si Sofronio Vasquez habang nandaraya at kinakantahan ang bagong mag-asawa at ang kanilang mga piling panauhin.
Ang opisyal na pag-iisang-dibdib nina Jimuel at Carolina ay naganap pitong buwan matapos nilang isilang at tanggapin sa kanilang buhay ang kanilang panganay na anak na si Baby Clara.
