
AYAW daw pangunahan ni Jillian Ward kung ano ang plano ng GMA-7 management para sa kanyang showbiz career. Para sa kanya, kung ano raw ang ibibigay ay tatanggapin niya. Kung tutuusin daw, alagang-alaga naman ang career niya sa nasabing TV station.
Ang kumakalat kasing balita, Marimar daw ang napipisil ng Kapuso network na gagawin niya. Sa ngayon 15 years old palang si Jillian. Malamang daw na umpisahan na niya ang nasabing serye pagdating niya sa tamang edad.
Ganoon din naman sa Darna at Dyesebel. Tulad ng sinabi ng batang actress, bahala nang magdesisyon ang GMA-7 kung ano ang plano nila dahil alam naman nila ihandle ang kanyang showbiz career.
More Stories
Komedyanteng si Matutina pumanaw na, 78
‘Meteor Garden’ star na si Barbie Hsu pumanaw na, 48
BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO HIWALAY NA