June 26, 2024

JILLIAN WARD, HINDI NA INSECURE KAY ELIJAH ALEJO PAG-ACTING ANG PINAGUUSAPAN

TOTOONG inabangan ng mga Kapuso followers ang ‘Prima Donnas’ kahit pansamantala itong nahinto dahil sa COVID-19. Pero ngayong nagresume na ang serye, muli na naman itong pinapanood ng masa. Halos lahat ng characters ay lumutang at talaga namang pinag-usapan.

Mahigpit ang labanan sa dalawang stars ng ‘Prima Donnas’ na sina Jillian Ward at Elijah Alejo. Ang bidang si Mayi at ang kontrabidang si Brianna. Ang puna ng mga manonood, sa mga eksenang kinakawawa o inaapi ni Brianna si Mayi. Mas lumulutang ang talino sa pag-arte ni Jillian Ward, pero nakakaramdam nga ba siya ng pagka-insecure kay Elijah?

Ang sagot; hindi raw. Dahil para sa kanya, may kanya-kanya silang role na dapat gampanan. Halos lahat naman daw sila ay lutang sa kanilang mga eksena. Basta siya, ginagawa niya ang nararapat at nakikinig siya sa mga sinasabi ng director nila kaya nagagampanan niya nang buong husay ang mga eksenang ipinagagawa sa kanya.

At dagdag pa niya, ‘pag trabaho, focus lang siya. Hindi naman niya iniintindi ang mga intriga kasi kung papatulan pa raw ay hindi naman makakatulong sa kanila iyon. Ayon pa kay Jillian Ward, never daw siyang na-insecure sa kanyang mga katrabaho dahil alam niya na magagampanan niya ang ipinagagawa sa kanya ng kanilang direktor.