May 18, 2024

JILLIAN WARD GAGANAP SA REMAKE NG MARIMAR?

AGREE ang marami kung si Jillian Ward nga ang gaganap sa remake ng ‘Marimar,’ dahil lahat naman ng requirements na hanap nila ay na kay Jillian na.

Tiyak na papatok ito, dahil walang makahihindi kung si Jillian nga ang kanilang napipintong gumanap. Taglay niya ang kagandahang Pilipina, talino at ka-seksihan na kinababaliwan ng mga kalalakihan.

Excited na ang mga fans ni Jillian Ward, kung siya nga ang choice. Isa na naman itong achievement sa career ni Jillian.

Kaya nga ngayon ay pokus ang batang aktres sa kanyang acting career, dahil gusto niyang patunayan sa sarili niya na malayo ang kanyang mararating kung magpopokus siya sa kanyang career.

Nakarating na raw kay Jillian na siya ang choice para gumanap sa remake ng ‘Marimar.”

Excited daw ang magandang batang actress, pero hangga’t wala pa raw pag-uusap ay ayaw daw niyang pangunahan ang lahat.

Kung matupad, isa raw itong malaking challenge sa kanyang career at handa naman daw niyang itong kayanin.