Pumirma si Jho Maraguinot sa Akari Power Chargers para sa PVL Reinforced Conference sa Oktubre. Kasunod ito ng kanilang paglambat sa setter na Michelle Cobb. Hinablot ng Power Chargers si Maraguinot sa kanilang team. Ito’y matapos dumalo ng Ateneo volleybelle sa tryouts last week.
“Even with the arrival of young talents, many fans are still longing to someday see again one of the most graceful spiking forms in local volleyball,” ani ng Akari .
“And Jhoana Maraguinot is hoping—and ready to hustle—to give it to you,” dagdag ng team.
Huling naglaro si Joana sa BaliPure sa Open Conference bago magdesisyon ang team na umiskip sa Invitationals. Ang Akari ay pangatlong team na sinalihan ng volleybelle.
Una siyang sumalang sa Perlas Spikers noong 2021 Open Conference. Pagkatapos ay sumampa sa BaliPure sa unang torneo ng 2022 season.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2