ASAHAN ang higit pang pagharurot ng Jetski races sa bansa matapos aprubahan ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang regular member ang Jet Sports Association of the Philippines.
Mismong si JSAP president Harley David ang nagpahayag ng kumpiyansa na ang pagtanggap ng POC sa asosasyon bilang lehitimong miyembro ay magdudulot ng ‘domino effect’ sa aspeto ng pagpapalaganap ng sports sa bansa upang mas maaraming Filipino ang maturuan sa kanilang mga programa at mabuhay lalo ang interest sa pamamagitan nang pagsasagawa ng mas maraming torneo.
“Nagpapasalamat kami kay POC president Bambol (Tolentino) at natanggap n akamai (JSAP) bilang regular member sa Olympic body. Malaking tulong ito sa aming mga programa para mas mapaigting ang aming sports at makapagbigay ng dangal sa ating bayan,” pahayag ni David nitong Huwebes sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room sa loob ng pamosong Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Manila.
“Talagang kailangan namin ang tulong ng POC at ng Philippine Sports Commission,” ayon kay David sa programa na itinataguyod ng PSC, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Bilang regular POC member, mas mapapalakas ng JSAP ang pakikipag-ugnayan sa international sports committee, gayundin makakalapit na rin ang asosasyon sa Philippine Sports Commission para sa suportang pinansiyal na magsusustini sa kanilang programa sa grassroots, gayundin ang palakasin ang kanilang elite athletes.
Sa mahabang panahon, iginiit ni David na naisusulong nila ang kanilang adhikain kabilang ang pag-organisa ng mga local tournaments at pagsabak sa international event sa tulong ng pribadong sector at ambagan ng mga magulang at mismong mga atleta.
“Ang maganda dito sa amin sa JSAP family sports kami. Yung mga Executive class riders namin sila na ang nagsusuporta sa kanilang mga quipment, habang yung mga anak nila yunnamang ang aming inaalagan sa juniors hanggang sa mas mataas na level,” aniya.
Hindi biro ang halagang isang milyon para sa isang dekalidad na jetski na kalimutan ang nabibili pa sa abroad.
“Sa mga nagsisimula, meron naman kaming naipapahiram na gamit. Ginagawa namin nagpapalaro kami sa Cebu sa GenSan, then yung mga gumagaing doon sa kanilang area, inilalaban na naming sa National level. Pero sa mga tournament yun mataas na kalidad na ang gamit ng mga riders.”
Ayon kay David, sa kabila ng mga kakulangan sa pangangailagan, nananatiling matikas at palabana ng Pinoy riders sa international scene, at patotoo rito ang naging tagumpay ng ilang Pinoy, kabilang si Louie Buhisan sa katatapos na Round 2 ng Waterjet World Series sa Vinchy, France.
“Marami na tayong world champion, andyan si Paul del Rosario at ito lang recently sa France nanalo ang atleta nating si Louie Buhisan,” sambit niDavid.
Sa local scene, pinaghahandaan ni David ang Round 3 ng JSAP Jetski National Championship sa Agosto 12-13 sa Subic. Ang Finals ay nakatakda sa September 9-10.
Ayon kay David ang top 3 (Junior, Women at Men’s) sa National Finals ang ipadadala para sumabak sa torneo sa Amerika at sa Kings Cup sa Thailand sa Oktubre.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA