May 14, 2024

JESSIE MENDIOLA, WISH MAGKAANAK NG KAMBAL

Gusto pala ng aktres na si Jessy Mendiola na magkaanak ng kambal. Pero, maalaga siya sa kanyang pigura kahit kasal na sila ni Luis Manzano. Kaya, may pagka-metikulusa si Jessie sa kanyang mga kinakain.


All the more dapat alagaan ang sarili mo because for you to be able to take care of others, you have to take care of yourself first. So mas naging maarte ako no’ng nag-asawa ako.”


Talagang I take care of my hair, my skin, everything. ‘pag feeling ko medyo nagiging bloated na ako, okay magbawas-bawas tayo sa meat, magbawas-bawas tayo sa mga salty food,” aniya.


Nang tanungin ang aktres kung ilan ang gusto nilang anak; lima ang gusto ni Luis. Pero, tatlo lang ang gusto ni Jessie. Tatlo lang daw kasi silang magkakapatid.


“Sana may twins, kasi si daddy may twins na mga kapatid. Sabi ko, ‘Sana makuha natin’yon.’ Sabi sa girls daw (namamana) most likely magkakaroon ng twins,” wika nito.