Nagwakas ang pamamayagpag ni Jerwin Ancajas bilang isa sa longest reigning boxing champion. Naagaw sa Pinoy pug ang IBF Junior Bantamweight title belt ni Fernando Martinez.
Wagi ang undergod na si Martinez via unanimous decision, 111-117, 110-118 at 110-118. Kontrolado ni Ancajas ang ritmo ng laban sa early rounds. Ngunit, naka-decode ng Argentinian pug ang kanyang galaw.
Kung kaya, nakasasabay na ito sa palitan nila ng suntok. Hanggang sa makuha na ni Martinez ang abantahe. Sinikap ni Jerwin na pumabor sa kanya ang ritmo sa 10th round. Subalit, sadyang mabangis ang dealy right hook ng kalaban.
Sa kabila ng kanyang pagkatalo, sinabi ni Ancajas na isang honor ang makalaban ang boxer na si Martinez.may boxing record ngayon ang Panabo City native na 33-2-2, 22 KO’s.
“Masaya po ako na nakalaban si Martinez na isang Olympian, magaling na boksingero,” aniya.
“Proud ako sa nakalaban ko, magaling, mahirap na kalaban.”
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!