Pumanaw si Jeanette Zacarias Zapata, 18, matapos ang limang araw mula nang ma-knock-out. Hinuha ng kampo ng Mexican boxer, malamang na brain injury ang dahilan ng pagkamatay nito.
Nabugbog kasi ito sa kanyang huling laban at natalo via knockout. Nakaharap nito si Marie Pier Houle sa welterweight match na idinaos sa Montreal.
Bumagsak si Zapata nang tamaan ng left uppercut at right hook combination sa ikaapat na round. Matapos nito, inilabas sa ring si Zapata na naka-stretcher at agad na dinala sa ospital. Na-comatose si Zapata hanggang sa bawian na ito ng buhay.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2