January 23, 2025

JC Intal, nagretiro na sa PBA pagkatapos ng 13 taong paglalaro

Opisyal nang nagretiro sa pro-league si PBA veteran JC Intal. Tinuran niya ang kanyang pasya sa kaniyang Instagram. Aniya, isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa PBA sa loob ng 13 taon. Isang big honor rin aniya na maging bahagi sa nasabing liga.

“After 2 decades of playing the sport I love, 13 years of which in the PBA, I am officially announcing my retirement from basketball.  Words cannot express how grateful I am to every single person who helped me make this journey possible” 

“Thank you to my wife, Bianca, and our daughters Lucia and Carmen for the love and inspiration,” aniya.

Nagsimula ang PBA career niya matapos maglaro sa Ateneo Blue Eagles. Naging fourth overall pick siya sa 2007 PBA Rookie Draft ng Air21 Express.

Nakapaglaro si Intal sa 2015 FIBA Asia Championship sa China. Nakapagtala siya ng average na 3.8 points, 2.3 rebounds at 1.3 assist per game. Pagkatapos ng 2 season, lumipat siya sa Ginebra at Purefoods. Noong 2013, naglaro siya sa Barako Bull.

Na sa ngayon, ang prangkisa ay tangan na ng Phoenix Fuel Masters. Ito na rin ang koponang huli niyang pinaglaruan.

To my Phoenix family—Boss Dennis, Boss RTZ, management, coaches, staff and teammates—who I spent the most years with, thank you for these amazing last few years,” dagdag pa ng isa sa high flying forward ng liga.