NAGTUNGO sina Julia at Marjorie Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ng umaga. Ito ay upang sampahan ng cybercrime complaint si Jay Sonza dahil sa ipinakalat nitong tsismis sa Facebook na buntis ang nasabing aktres at ama ng kanyang dinadala ay si Gerald Anderson.
Naging sanhi iyon ng ‘distress’ kay Julia at sa kanyang pamilya kaya nagdesisyon ang mag-ina na lahat nang naglathala ng buntis isyu ay kanilang papanagutin sa batas. Ayon kay Julia, lahat daw ng mga ikinalat ng dating broadcaster ay pawang walang katotohanan at iresponsable. Nasaktan din ito dahil naapektuhan ang buong pamilya niya kahit pa sabihing walang katotohanan ang nasabing isyu. Maging si Gerald Anderson ay nakaladkad at nadawit sa nasabing intriga nang walang kamalay-malay.
Kailangan daw bigyan ng leksyon si Mr. Sonza at ang mga naglathala ng maling isyu ay kanyang isinama na sampahan na rin ng kaso. Hindi raw nakabuti ang isyung buntis si Julia sa kanyang career. Naging sanhi tuloy ito ng pagbaba ng kanyang moral bilang isang babae.
More Stories
Anong say mo, Gretchen? ATONG ANG AT SUNSHINE CRUZ MAY RELASYON
PH bet Nina Campos 1st Place sa Euro Pop Singing Contest
MONSOUR AT NANCY BINAY SUPORTADO NG MARAMING ARTISTA