May 18, 2024

ANGELICA PANGANIBAN, ‘DI RAW KAILANGAN SA ‘SUNDAY KADA’ NG TV5

ANG cast ng ‘Banana Sundae’ ay muling magsasama-sama sa bago nilang gag show sa TV5 na may bagong titulo na ‘Sunday Kada.’ Pero tanging si Angelica Panganiban lamang ang hindi nakasama sa paglipat nila sa Kapatid TV network. Sina JC de Vera, Ritz Azul, Wacky Kiray, Jhen Maloles, Sunshine Garcia, Aiko Climaco at Badji Mortiz ang ilan sa mga babalik sa bagong show. Sasamahan din sila ng ibang Star Magic artists gaya nina Miles Ocampo, Jerome Ponce, Igi Boy Flores, at Jason Gainza.

Tuloy ang kanilang airing kahit wala sa cast si Angelica Panganiban dahil sa lumalabas na hindi nila kailangan ang actress na nanatiling loyal sa ABS-CBN. Sa kampo naman ni Angelica, mukhang hindi niya kailangan ang TV5. Ayon sa aking nakausap, si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz pa rin ang magdi-direk ng nasabing gag show.

Kapag ipinalabas na ang Sunday Kada, malabo nang makasama si Angelica Panganiban dahil siya sumama sa kanyang grupo. At ang labas daw noon sa TV5 management ay mukhang walang tiwala ang actress. Kaya ang usap-usapan ngayon ay paano kung hindi na siya tanggapin? Paano na ang sitwasyon ng career ni Angelica? Kaya nga sabi nila kung ayaw daw ni Angelica, tuloy pa rin ang gag show kahit wala siya. Dahil kahit wala siya, tatakbo pa rin ng maayos ang ‘Sunday Kada.’