
Babandera si PBA legend Robert Jaworski sa isang edition stamp ng Philippine Postal Corporation. Ito’y kaalinsabay din ng paggunita ng ahensiya ng ika-75 anibersaryo.
Kaya naman, bibida ang tinaguriang ‘The Living Legend’ sa isang collectible stamp. Gayunman, limited lamang ito at ilalabas ng PhilPost sa October 16.
Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa kadakilaan ng basketball legend. Na nagpasikat ng pariralang ‘ Never Say Die’. Na siyang diwa at spirit ng pinakasita ng ball club sa PBA, ang Brgy. Ginebra.
Samantala, nagalak naman ang anak ni “Big J’ na si Dodot sa ginawang ito ng PhilPost. Napakaaking karangalan aniya ito para sa kanyang ama.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo